Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, lalo pang tumaas sa 91,754

Pumalo ngayong araw sa 91,754 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 6,666 ang mga kaso.

Bunga nito, umaabot na ngayon sa 684,311 ang total COVID cases sa bansa.


1,072 naman ang bagong gumaling habang 47 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na ang total recoveries sa bansa sa 579,518 habang ang total deaths ay 13,039.

Facebook Comments