TRAHEDYA | Higit 1,000 patay sa magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Indonesia

101

Indonesia – Pumalo na sa 1,234 ang patay sa 7.5 magnitude na lindol na sinundan ng tsunami sa Indonesia.

Pinakahuli ay 34 na bangkay na karamihan ay mga bata na natagpusan sa isang simbahan sa Palu.

Pinananiwalaang kabilang ang mga ito sa 86 na batang nawawala na sumama sa isang bible camp.

Laganap din ang insidente ng pagnanakaw kung saan 49 na ang naaresto.

Aabot sa 2.4 million ang apektado ng kalamidad, halos 800 na ang sugatan at higit 61,000 ang na-displaced.

Facebook Comments