WEATHER UPDATE | TY Queenie, napanatili ang lakas habang nasa karagatan

Napanatili ng typhoon ‘Queenie’ ang lakas nito habang nananatili sa karagatan.

Namataan ito sa layong 875 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 200 kilometers per hour at pagbugsong nasa 245 kph.


Bumilis ang bagyo sa 20 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Chris Perez – walang direktang epekto ang bagyo sa kalupaan.

Mainit at maalinsangang panahon ang asahan sa natitirang bahagi ng bansa.

Facebook Comments