TRAHEDYA | Mga pasahero at crew ng lumubog na bangka sa Quezon, natagpuan na

Quezon Province – Nakita na ng mga otoridad ang lahat ng pasahero at crew ng lumubog na bangka sa Real, Quezon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, sa dalawang daan at limampu’t dalawang (255) na sakay ng pampasaherong bangka, 5 dito ang kumpirmadong patay.

Apat sa mga ito ang may pagkakakilanlan na habang 1 ang hindi pa matukoy ng mga otoridad.


Pinapayuhan naman ni Marasigan ang mga may kaanak sa lumubog na bangka na makipagugnayan sa lokal na pamahalaan ng Real, Quezon para mahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nagpapatuloy naamn ang paalala ng NDRRMC na kung may abiso mula sa awtoridad na bawal ang pumalaot ay sundin na lamang ito upang maiwasan ang anumang sakuna.

Facebook Comments