TRAHEDYA | Residente sa California na apektado ng wildfire binabantayan dahil sa banta ng flashflood

Hindi pa natatapos ang pagdurusa ng mga residente na apektado ng pinakamapaminsala at pinakamalaking wildfire na lumamon sa napakalawak na lugar sa California.

Matapos kasi silang maperwisyo sa mga wildfire, mga flashflood naman ang pinangangambahan mangyari sa mga nasunugan dahil sa patuloy na pag-ulan sa Northern California.

Ayon sa National Weather Service sa Sacramento, mahigit isang milyong residente, partikular sa Paradise ang nasa ilalim ng flash flood watch. Bunsod na rin ito ng mga malalakas na ulan.


Ayon sa mga otoridad, bagaman at malaki naitulong ng buhos ng ulan para sa pagsawata sa Camp Fire, isa sa dalawang wildfire sa California, posible naman magunaw ang mga lugar na nasunog kung patuloy ang pag-ulan.

Sa huling tala, 83 na ang nasasawi sa sa Camp Fire. 58 pa lamang sa mga labi ang nakikilala hanggang sa ngayon.

Mahigit limang daan residente pa ang nawawala at hindi pa mabatid kung ano na ang nangyari sa mga ito.

Facebook Comments