Hindi dapat mangyari dito sa probinsiya ng Camarines ang trahedyang nangyari sa Naga, Cebu na ikinamatay ng marami. Itinuturong dahilan ng nasabing trahedya ang walang patumanggang quarry operations sa nasabing lugar.
Dito sa Camarines Sur, meron ding malawakang quarrying operations sa mga bayan ng San Fernando at Pamplona. Tanging ang provincial government lamang ang may kapangyarihan na magbigay ng quarrying operation dito sa probinsiya.
Sinabi ni House Majority Floor Leader Cong. Rolando Nonoy Andaya na minsa na silang nagsagawa ng aerial survey ng quarrying operation sa mga bayan ng San Fernando at Pamplona, kitang-kita na grabe na umano ang lawak ng lugar na pinagsasagawaan ng quarry operation.
Idinagdag pa ni Andaya na meron ng ipinalabas na kautusan ang Malakanyang na tigilan na ang mga quarry operations sa bansa at natukahan na magpatupad nito ang Department of environment and Natural Resources sa pangunguna ni Sec. Roy Cimatu. Dapat ng matigil ang mga quarry operations sa bansa, kung hindi man, dapat ma-regulate ito ng husto para matiyak na ligtas ang mga komunidad sa paligid nito.
Samantala, sinabi naman ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Rene Camacho na nagsagawa na sila ng inspections sa mga quarry sites dito sa Camarines Sur at nakapag-sumite na rin sila ng report sa Regional Office tungkol sa bagay na ito.
Photo, not the actual site, for representation purpose only.
Trahedya sa Naga Cebu, Posible ring Mangyari sa Camarines Sur Kung Hindi Matigil o Maregulate ang mga Quarry Operations
Facebook Comments