TRAIN ACT | Manggagawang walang permanenteng kita, may ayuda mula sa gobyerno

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañan na may ibibigay na ayuda ang gobyerno sa mga informal workers o yung mga walang tiyak o permanenteng kita matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN Act.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may P200 ayuda ang pamahalaan sa mga ito simula sa 2018.

Tataas naman aniya ito sa P300 sa 2019 at P400 sa 2020.

Mayroon rin aniyang discount voucher para sa mga jeepney driver sa ilalim ng TRAIN.

Facebook Comments