Inihayag ni Mayor Isko Moreno na kaniyang ipagpapatuloy ang train at road project sa Bicol Region kapag nanalo sa 2022 elections.
Ayon kay Mayor Isko, nais niyang matuloy na ang Clark-Malolos-Tutuban-Calamba-Bicol Railway Project na siyang magko-konekta sa apat na probinsya sa Maynila.
Bukod dito, nais rin ng alkalde na maituloy ang ilang pagsasagawa ng pangunahing kalsada sa Bicol partikular ang mga diversion road.
Nais rin ni Mayor Isko na mapalakad pa ang serbisyo ng internet sa buong rehiyon ng Bicol.
Iginiit ng alkalde na ang mga nasabing proyekto ang isa mga mahahalagang bagay sa ngayon para na rin sa kinabukasan ng mga residente sa Bicol Region.
Isa rin itong paraan para makatulong sa bawat mamamayan sa Bicol sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.
Sa huli, plano ni Mayor Isko na magtayo ng 17 regional hospital at maglaan ng P30 bilyon na loan fund sa mga may maliliit na negosyo kung saan gagawin niya daw ito sa loob ng anim na taon.