TRAIN LAW | 2.03 trillion pesos na koleksyon, target ng BIR para sa taong 2018

Manila, Philippines – Kasabay ng pagpapatupad ng bagong pagbubuwis ng pamahalaan o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law, tinaasan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang kanilang target collection para sa taong ito.

Sa press briefing sa DOJ, kasabay ng pagsampa nito ng tax evasion case laban sa mga negosyanteng dawit sa P6.4-Billion shabu shipment, sinabi ni BIR Commissioner Ceasar Dulay na P2.03-Trillion na buwis ang inaasahan nilang makokolekta ngayong taon.

Mas mataas ito sa naging target goal ng BIR noong 2017 na umabot lamang sa P1.8-Trillion.


Kumpiyansa rin ang BIR na makakakolekta sila ng mas mataas na buwis sa mga produktong petrolyo at sweetened beverages tulad ng softdinks.

Facebook Comments