Manila, Philippines – Nanawagan ang grupong Bantay Konsumer, Kalsada, Kuryente (BK3) sa Malacañang na linawin ang pagpapatupad ng bagong Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Sa interview ng RMN kay BK3 Convenor Louie Montemar – posibleng magdulot ng kaguluhan ng train law dahil wala pa itong implementing rules and regulation.
Una na kasing inamin ng Department of Finance at Bureau of Internal Revenue na hindi pa dapat ipatupad ang republic act 10963 dahil wala pang IRR at public consultations.
Samantala, pinaalalahanan naman ang mga individual income taxpayer’s na hindi sakop ng nasabing batas ang kinita noong taong 2017.
Ang income noong nakalipas na taon ay kailangan pa ring ideklara sa paghahain ng income tax returns bago ang deadline nito sa April 16.