Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Sonny Angara sa pamahalaan na gamitin sa mga kapakipakinabang na programa at proyekto ang kikitain ng pamahalaan sa mga bagong buwis na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Partikular na tinukoy ni Angara na dapat mabuhusan ng pondo na magmumula sa TRAIN ang pagpapabuti sa serbisyo ng mga pampubliko transportasyon tulad ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit.
Ang apela ni Angara ay kasunod ng report na sa nagdaang taong 2017 ay 500 beses na nasira ang MRT 3 na nagdulot ng napakalaking perwisyo sa libu-libong mga pasahero nito.
Ikinatwiran ni Angara, na dapat ay siguruhin ng gobyerno na ang makokolektang dagdag buwis ay mapupunta sa mga proyektong mapakikinabangan ng bawat Pilipino tulad pagresolba sa problema sa public trains.