Upang lubusang maunawaan sa grassroots ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, isinagawa ngayong araw, March 15, 2018 sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao ang “Orientation on the TRAIN Law” na pinangasiwaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) partikular ng Office of Regional District no. 107 Sinabi ni Sec. to the Mayor Anwar Emblawa, hindi pa gaanong naiintindihan ng marami ang TRAIN Law kaya ipinapaunawa ito ng BIR hanggang sa barangay level, naglilikha ng malaking impact sa pamumuhay ng mga Pilipino ang naturang batas kaya marapat lamang na maintindihan ito ng lahat at ang mga positibong epekto nito dagdag pa ni Emblawa. Ang orientation ay nilahukan ng mga barangay chairman na sila namang magpapa-intindi sa kanilang mga kabaranggay kung ano ang TRAIN law. Dumalo rin ang mga opisyales ng Shariff Aguak sa pangunguna ni Mayor Engr. Marop B. Ampatuan. December 2017 nang lagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang TRAIN law. Ito ay maghahatid umano ng inclusive growth sa lahat ng mamamayang Pilipino lalo na sa mahihirap.
TRAIN Law, ipinaunawa sa mga taga Shariff Aguak!
Facebook Comments