Manila, Philippines – Mahigit 90-porsyento ng mga gasolinahan ang magtaaas na ng presyo sa pagtatapos ng Enero dahil sa Tax Reform for Acceleration ang Inclusion o TRAIN Law.
Ito ang inihayag ng Department of Energy (DOE) sa isinasagawang pagdinig ngayon ng Senate Committee on Energy na pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian.
Ayon kay DOE Assistant Secretary Leonido Pulido III, hindi nila mapipigilan ang ipapataw na increase ng mga gasoline stations dahil regulated ang industriya at walang mekanismo para ito ay kontrolin o pigilan.
Sa kabila nito ay nangako si Pulido na sisikapin nilang hadlangan ang anumang gagawing pag-abuso o pagmamalabis sa epekto ng TRAIN Law.
Kasabay nito ay tiniyak din ni Pulido na sa katapusan ng buwan ay matatapos na ng DOE ang analysis of inventory sa mga old stocks ng mga oil companies.