MAFIA? | DOH, inililigaw raw ang media – Dr. Francis Cruz

Manila, Philippines – Naniniwala si dating DOH Consultant Dr. Francis Cruz na inililihis lamang ng 14 na opisyalng ang kanyang mga alegasyon kaugnay sa di umano’y mafia sa loob ng Department of Health na isa umano sa mga kumita nang ipatupad ang pamamahagi ng Dengvaxia Vaccine.

Ayon kay Dr. Cruz, wala umano siyang dapat na patunayan pa dahil kumpleto siya sa mga dokumento na nagpapatunay na mayroong mafia sa loob ng DOH katunayan anya isinumite na nito sa Senado ang kanyang mga sinumpaang salaysay at mayroon umanong kopya ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.

Matatandaan na naglabas na official statement ang mga opisyal ng DOH na nakasaad dito na isang malaking kasinungalingan umano ang mga ibinibintang ni Dr. Cruz sa mga opisyal ng DOH. Malisyoso at layon lamang na sirain ang pangalan ng mga opisyal at ang mismong kagawaran ng Department of Health.


Paliwanag naman ni Dr. Cruz lahat ng kanyang mga ibinulgar laban sa mga opisyal ng DOH ay pawang kumpleto sa mga dokumento kaya hindi na umano pang kailangan na gumawa siya ng sinumpaang salaysay dahil naisumite na niya ito sa Senado at may kopya pa umano ang VACC.

Facebook Comments