TRAIN LAW | Pagpapatupad ng mga kompanya sa bansa ng bagong tax system, muling ipinaalala ng BIR

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga employer na dapat nang ipatupad ang bagong tax system sa bansa.

Sa interview ng RMN manila kay BIR spokesperson Atty. Marissa Cabreros, sinabi niyang kung may employer na hindi agad sumunod sa bagong tax system, dapat pa rin ibigay sa mga empleyado ang kanilang takehome pay mula Enero sa mga sumasahod ng 21,000 pababa.

Pero sa mga pasaway na employer, maaring magpadala ng reklamo o sumbong sa kanilang email address na e_complaint@bir.gov.ph.


At para naman malinawan ang publiko tungkol sa kanilang income tax ay nagpalabas ang bir ng bagong Implementing Rules and Regulations.

Layon nitong mabigyan ng gabay ang taxpayers kung paano ang implementasyon ng bagong tax system.

Sa susunod na buwan, maglalabas muli ang bir ng iba pang rules and regulations para naman sa donors, estate tax, value added tax gayundin ang excise tax para sa cosmetic procedures at sugar sweetened beverages.

Facebook Comments