BUMWELTA | Senador De Lima, habang buhay sanang makulong – Secretary Roque

Manila, Philippines – Bumwelta si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kay Senador Leila de Lima.

Sinabi kasi ni De Lima na ipinagpalit ni Roque ang kanyang prinsipyo para sa ambisyon na maging isang Senador.

Matatandaan na si Roque ay isang dating kongresista bago maitalaga bilang tagapagsalita ng pangulo at isang kilalang human rights lawyer at international law expert.


Ayon kay Roque, sana ay habang buhay nang manatili sa kulungan si De Lima.

Binati pa ni Roque ang Senadora ng Happy Anniversary dahil isang taon na itong nakakulong sa Philippine National Police Detention Center dahi sa kasong illegal drug trade.

Facebook Comments