TRAIN LAW-PAHIRAP? | Malacanang, kinontra ang pahayag ng National Anti-Poverty Commission

Manila, Philippines – Hindi sumasangayon ang Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Maza na lalala pa ang kahirapan sa bansa dahil sa ipinasang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Sinabi din ni Maza na hindi rin mararamdaman ng milyon-milyong benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program ang karagdagang benepisyo na ibibigay ng gobyerno matapos maipasa ang TRAIN.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mali ang naging pahayag ni Maza dahil base sa naging kalkulasyon ng Department of Finance ay maganda ang epekto ng 200 piso kada buwan na ibibigay sa mga miyembro ng CCT at tataas pa aniya ito sa 300 pesos sa susunod na taon.


Hindi din naman aniya magiging malaki ang epekto ng TRAIN sa presyo ng mga bilihin pero malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya dahil mapopondohan nito ang build-build-build program na siya namang magbibigay ng maraming trabaho para sa mga Pilipino na siyang magpapaandar pa ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments