TRAIN LAW | SC, kinalampag kontra Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law

Manila, Philippines – Dumulog sa Supreme Court (SC) ang mga petitioners ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law para hilingin sa Korte Suprema na desisyon na ang kanilang petisyon na layong ipabasura ang pagpapatupad sa TRAIN Law.

Kabilang sa mga petitioners ang grupong Laban Konsyumer Inc., Atty. Victorio Mario Dimagiba at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio.

Kalakip ng kanilang mosyon ang data na nagpapakitang tumaas sa 6.7 percent ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre, mula sa 6.4 percent noong Agosto.


Mula anila nang ipatupad ang TRAIN Law noong Enero, nagsimula nang tumaas ang inflation rate.

Kaya naman napapanahon na anila para desisyunan ng Korte Suprema ang kanilang hirit na ipatigil ang pagpapatupad sa naturang batas na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na siyang naghain ng urgent motion to resolve, sinabi nitong mismong ang administrasyong Duterte ang umamin na “disastrous” ang TRAIN Law.

Nanindigan si Colmenares na unconstitutional ang TRAIN Law dahil ipinasa raw ito nang walang quorum.

Facebook Comments