UUNAHIN | DOTr, BIR at BOC, mga ahensyang unang sisilipin ng oversight committee sa Kamara

Manila, Philippines – Uunahin ng Oversight Committee na silipin ang Department of Tourism, Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Sisilipin ng Oversight Committee sa DOT ang P300 Billion na unspent funds ng ahensya na maaari sanang gamitin sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Samantala, titingnan naman ng Oversight Committee ang performance ng BIR at BOC upang matiyak na ang mga government collecting agencies ay nakukuha ang target revenue para sa gobyerno.


Binuhay muli ng Kamara ang Oversight Committee para mabantayan ang performance ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ang oversight committee ay binuwag sa Mababang Kapulungan noong panahon ni dating Pangulong Aquino pero ipinababalik muli dahil sa kahalagahan ng papel ng lupon.

Itinalaga bilang lider ng oversight committee Chairman si Minority Leader Danilo Suarez habang Vice Chairman naman nito si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.

Sinabi ni Suarez na sa pagbabalik muli ng oversight Committee ay mas maisusulong ang transparency at accountability sa mga ahensya sa ilalim ng Duterte administration.

Facebook Comments