TRAIN LAW | Tulong ng gobyerno, ilalabas na sa Hulyo

Manila, Philippines – Malugod na ibinalita ng Palasyo ng Malacañang na malapit nang matanggap ng pinaka mahihirap nating mga kababayan na matinding tinamaan ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN law ang tulong ng pamahalaan sa mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa naging anunsiyo ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Transportation sa naganap na Cabinet Meeting ay mailalabas na ang pondo para sa Unconditional Cash Transfer na bukod naman sa Conditional Cash Transfer Program at ang Pantawid Pasada Program.

Paliwanag ni Roque, 10 milyong pinaka mahihirap na Pilipino ang mabibigyan ng benepisyo ng UCT na may pondong nagkakahalaga ng 10 bilyong piso na ilalabas na darating na Hulyo.


sinabi din ni Roque na sa Hulyo rin ilalabas ng DOTr ang pondo para sa Pantawid Pasada Program o Jeepney Vouchers para sa tsuper ng mga pampublikong sasakyan pero hindi pa aniya pinal kung magkano ang matatanggap ng mga ito pero ang unang halaga na napaguusapan ay 5 libong piso kada isang benepisyaryo.

Facebook Comments