Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) na magtalaga ng train marshalls upang matiyak na nasusunod ang health protocols sa loob ng mga tren.
Ito’y matapos magbalik operasyon na kahapon kasunod ng muling pagpatutupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Batay sa inilibas na pahayag ng DOTr-MRT-3, tinitiyak nila na tumatalima ang mga pasahero sa mga ipinatutupad na health at safety protocols kontra sa COVID-19 upang manatiling ligtas sa virus ang MRT-3 para na rin sa kapakanan ng mga commuters at manggagawa nito.
Kabilang sa mga patakarang mahigpit na ipinatutupad ay ang pagbabawal sa pagsasalita o pagsagot ng tawag sa anumang digital device sa loob ng mga tren at kailangan ding nakasuot ng full face shield at face mask.
Mahigpit ding ipinatutupad ang physical distancing.