Train system sa Cebu, pinamamadali na dahil sa paglala ng traffic

Pinamamadali ni Cebu Rep. Eduardo Gullas ang pagkakaroon ng commuter train system sa Metro Cebu.

 

Ang suhestyon ay kasunod na rin ng pinangangambahang paglala ng traffic sa Metro Cebu dahil sa pagsikip ng mga kalsada at pagdami ng volume ng mga ssasakyan doon tulad ng sitwasyon sa Metro Manila.

 

Ayon kay Gullas, 20 taon na nilang hinihiling ang pagkakaroon ng Light Rail Transit (LRT) system sa Metro Cebu.


 

Malaki aniya ang maitutulong kung magkakaroon ng train sa kanilang lugar para sa mabilis na byahe ng mga commuters at sa pagluwag ng trapiko.

 

Hiniling pa ng kongresista sa National Economic Development Authority (NEDA) ang mabilis na pag-askyon dito kasunod na rin ng proposal ng ilang pribadong kumpanya na magtayo ng monorail transit system na magkokonekta sa Talisay City at Cebu City gayundin ang Mactan Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City hanggang Cebu City.

Facebook Comments