Train timetable ipapatupad ng DOTr bilang bahagi ng Oplan biyaheng Ayos balik eskwela 2019

Magpapatupad ng train timetable ang Department of Transportation o DOTr ngayong itinaas na ng kagawaran sa heightened alert status para sa Oplan biyaheng ayos balik eskwela 2019 sa Lunes June 3.

 

Upang maiwasan ang mahahabang pila sa mga terminal, ipinasisiguro ng DOTr na hindi mawawalan ng tauhan ang mga ticketing booth.

 

Magdaragdag naman ang Metro Rail Transit (MRT) – 3 ng mga karagdagang security unit sa lahat ng istasyon kung saan magpapatupad din sila ng train time table.


 

Ngaying weekend June 1 at 2 maging sa June 8, labing dalawang tren ng MRT-3 ang tatakbo sa linya, na may headway o oras ng pagitan ng pagdating ng mga tren na 8.5 minuto.

 

Sa North Avenue, aalis ang unang tren nang 4:59 AM, at ang huli nang 9:10 PM habang Sa Taft Avenue, 5:51 AM ang unang biyahe, at 10:01 PM ang huli.

 

Samantala, sa ika-3 hanggang 7 ng Hunyo naman (Lunes hanggang Biyernes), labing limang tren ang magseserbisyo sa mga pasahero, na may headway na pitong minuto.

 

Sa North Avenue, alas 4:59 ng umaga aalis ang unang tren, at 9:10 PM ang huling biyahe habang Sa Taft Avenue, alas-5:50 ng umaga ang unang biyahe, habang alas-10:10 ng gabi ang last trip nito.

 

Sa pagtatapos ng “Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela,” magsusumite hanggang ika-labing dalawa ng Hunyo 2019 ang lahat ng sectoral offices at attached agencies ng DOTr ng kani-kanilang ulat hinggil sa pagpapatupad ng operasyon.

Facebook Comments