Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang isang trainer aircraft makaraang nawala sa bahagi ng Mindoro Occidental.
Biyernes ng umaga nang mag-take off sa San Jose Airport ang beechcraft baron 55 na ino-operate ng orient aviation corp.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, sakay ng trainer plane ang isang Pilipinong piloto at isang Saudi Arabian student.
Huling na-trace ang aircraft 16 nautical miles sa timog ng bayan ng San Jose.
Nagtulong-tulong na ang Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine Coast Guard at King Air Private Jet sa paghahanap sa training plane.
Facebook Comments