Friday, March 6, 2026

TRAINERS’ TRAINING, ISINAGAWA NG PANG PPO BILANG BAHAGI NG NATIONAL WOMEN’S DAY

Nagsagawa ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ng Trainers’ Training Lecture Series sa Camp Gov. Antonio U. Sison bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month.

Sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Arbel C. Mercullo, dinaluhan ang aktibidad ng mga miyembro ng Command Group, Provincial Staff, at mga pulis mula sa iba’t ibang yunit at himpilan sa lalawigan.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman ng mga pulis sa gender-responsive policing at sa tamang paghawak ng mga kasong may kinalaman sa kababaihan at kabataan.

Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang batas at isyu tulad ng RA 9262, RA 8353, online sexual abuse of children, gender and development, at mga tamang pamamaraan sa paghawak ng kaso ng Women and Children Protection Desk.

Ayon sa Pangasinan PPO, bahagi ito ng kanilang patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng kababaihan at kabataan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments