Training ng Candidate Soldiers, Tatagal ng Higit 8 Buwan-DPAO

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division Philippine Army ang kaligtasan ng mga trainees sa kabila ng krisis ng bansa laban sa pandemya.

Ayon kay Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), sinisiguro ng kanilang pamunuan na hindi makokompromiso ang mga panuntunan na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa katiyakan na mapapangalagaan ang mga sumasailalim sa pagsasanay.

Dagdag pa ni Tayaban, na ang nasimulan ng unang bahagi ng pagsasanay ng mga trainees ay maaaring tumagal pa ng hanggang walong (8) buwan o higit pa.


Ito ay upang mapanatili na masusunod ang panuntunan ng IATF at maiwasan na magkaroon ng paglabag sa ipinatutupad na kautusan laban sa COVID-19.

Tiniyak din ng pamunuan ng 5th ID na mananatili ang magandang kalidad sa pagsasanay ng mga candidate soldier para sa kanilang Physical Development Training.

Samantala, iginiit naman ni Tayaban na malaking tulong ang 2 milyon para sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga itinuturing na lider ng mga komunistang grupo habang may tatlong (3) lider sa sakop ng 5th ID ang kasama sa patuloy na umaaklas sa pamahalaan.

Hinihimok naman nito ang mga lider ng rebeldeng grupo na mangyaring sumuko nalang sa pamahalaan at huwag ng hintayin pa ang hindi inaasahang pangyayari.

Facebook Comments