Ang mga guro na sumasailalim ng training ay mula sa iba’t-ibang bayan sa hilagang bahagi ng Isabela tulad ng Alicia, Delfin Albano, at Sto Tomas.
Ayon kay Maam Michelle Clemente, Teacher 1 ng Colunguan Elementary School sa bayan ng Sto. Tomas, isa sa mga napili bilang Poll Clerk ay first time niya raw na maging parte ng electoral board sa nalalapit na halalan kaya nakaramdam din aniya siya ng kaunting kaba sa magiging role nito sa mismong araw ng botohan.
Nag-umpisa naman ngayong araw ang kanilang pagsasanay at matatapos ito bukas dahil tig-dalawang araw lamang ang ibinigay na training sa bawat batch.
Pero ikinatuwa pa rin ni Clemente na siya ay napabilang sa mga magsisilbing electoral board at siya ay umaasa na magiging maayos at mapayapa ang pagsasagawa ng halalan sa May 9.
Ayon naman kay Atty Jerbee Anthony Cortez, COMELEC Officer ng Cauayan, sumailalim muna sa Antigen test sa mismong venueng hotel ang lahat ng mga guro na sasalang sa training na kung saan lahat ng mga nagpa antigen test ay nagnegatibo sa Covid.
Pinapangunahan naman ng COMELEC ang pagtuturo sa mga BEIs kung ano ang kanilang magiging role sa araw ng botohan, training kaugnay sa mga DO’s and DONT’s ng mga BEIs, at kung paano gamitin ang Vote Counting Machine o VCM.
Ayon pa sa Cauayan City COMELEC Officer, tuloy-tuloy lamang ang kanilang gagawing pagsasanay sa mga BEIs hanggang sa matapos ang buwan ng Marso.