Training para sa mga army officers, prayoridad ng bagong Philippine Army Chief sa kabila ng COVID-19 pandemic

Sa gitna ng nararanasang pandemya, isa sa prayoridad ni bagong Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang pagsasanay ng mga Army Officers sa mga bagong banta na kinakaharap ng bansa.

Ito ang inihayag ni Lt. General Sobejana sa pagbubukas ng Command and General Staff Course Class (CGSC) 68-2020 na pinamamahalaan ng AFP Education, Training, and Doctrine Command (AFPETDC) sa Army Officer’s Club House.

Ang CGSC ang pinakamataas na kurso na maaaring kunin ng mga opisyal ng AFP para maging kwalipikado na umokupa sa mga key command and staff positions.


Ang pagsasanay ay pangungunahan ni AFP Education, Training, and Doctrine Command Commander at AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo.

Binigyang diin ni Sobejana na importante ang walang tigil na pagsasanay ng mga opisyal para makasabay ang Philippine Army sa patuloy na nagbabagong “Mission requirements”.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging isa sa misyon ng militar ang pamamahala sa pamamahagi ng COVID vaccine sa oras na available na ito sa Pilipinas.

Facebook Comments