Tatanggap na muli ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mga nais mag-e-enroll sa kailang mga training programs ngayong unti-unti nang niluluwagan ang community quarantine protocols sa bansa.
Ayon kay TESDA Director General Isidro Lapeña, inatasan na niya ang regional offices at training institutions na ipatupad ang scholarship programs.
Maaaring ma-access ang libreng trainings sa TESDA mobile application, website, Facebook page at bisitahin ang lahat ng tanggapan tuwing office hours.
Kabilang sa mga alok na kurso ng TESDA ay ang electrical installation and maintenance, animal production, dressmaking at contact tracing.
Bukod sa training, tatanggap ang mga mag-e-enroll ng one-year accident insurance, internet allowance, workshop uniform, learning material, starter tool kits at Personal Protective Equipment (PPE).