Magtatagal ng limang buwan ang training na ukol sa Varietal Derby na isasagawa sa bayan ng Bayambang kung saan kamakailan ay pormal na itong binuksan sinimulan ng Municipal Agriculture Office o MAO ng naturang bayan.
Ang programang ito isang Season long training sa “Hybrid Varietal Derby with Emphasis on Palay Check,” na tatagal ng humigit-kumulang limang buwan.
Ang naturang training ay nilahukan ng limang seed companies gaya ng SL AgriScience, LongPing, BioSeed, Leads Agri, at SeedWorks.
Ayon sa MAO, malalaman sa proyektong ito ang pinakaangkop na binhi sa kabila ng iba’t ibang uri ng hybrid rice seeds sa merkado kung saan ang mataas na uri ng binhi anila ay hindi nangangahulugang umaangkop ang mga ito sa uri ng kapaligiran sa isang sakahan. |ifmnews
Facebook Comments