Trans woman na si Gretchen Diez, planong sumabak sa pulitika

Image via Facebook/Gretchen Custodio Diez

Inihayag ng transgender woman na si Gretchen Diez sa isang media forum nitong Sabado na handa siyang sumabak sa pulitika para maging boses ng LGBTQ community.

Ayon kay Diez, nais niyang isulong ang adbokasiyang magpapabago sa pananaw ng lipunan tungkol sa naturang komunidad.

“I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that”, ani Diez.


Pahayag ng trans woman, hindi masamang magkaroon ng posisyon sa pamahalaan ang isang katulad niya.

Nilinaw din ni Diez na gusto niyang makamit ang katarungan sa umano’y diskriminasyong kaniyang nararanasan mula pa noong bata siya.

“Noong mga panahon na ako’y bata pa at wala pa akong edukasyon at wala pa po akong kaalaman tungkol sa pagsulong ng mga karapatan ko. Now that I’m given the education, now I’m given this privelege to be the voice of the LGBTQ+ community or being the voice for equality,” saad ni Diez.
Matatandaang inaresto si Diez matapos gumamit ng pambabaeng banyo sa Farmer’s Plaza, sa Cubao, Quezon City noong Agosto 13.
Dahil sa insidente, muling nabuhay ang panawagan sa Senado at Kongreso na isabatas na ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE).
Facebook Comments