Transaksyon ng mga sindikato ng droga ngayong pandemya, nagpapatuloy ayon sa PNP

Tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na nagpapatuloy ang magandang ugnayan nila ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para magsagawa ng mga drug operation laban sa mga sindikato ng droga sa bansa.

Ayon kay PNP Chief na sa kabila ng pandemya, nagpapatuloy ang pamamayagpag ng transaksyon ng iligal na droga sa bansa kaya naman hindi rin sila nagpapatinag sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga ito.

Sa katunayan, ayon kay Eleazar at batay na rin sa update ng Real Numbers, mula July 2016 nang magsimula ang Duterte administration, umabot na na sa halagang 62.22 bilyon piso halaga ng iligal na droga ang kanilang nakumpiska kabilang dito ang 8,134.61 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng 51.33 billion pesos.


Sa kanilang mga ikinasang drug operations, umabot sa 303,154 indibidwal ang naaresto kabilang dito ang 12,849 high-value targets.

Batay naman sa government data, may kabuuang 6,182 drug suspects ang namatay sa mga ikinasang operasyon.

Para kay PNP Chief, hindi pa natatapos ang kanilang mga operasyon laban sa mga sindikato ng droga pero malaki na aniya ang pagbabago ng sitwasyon ng iligal na droga sa bansa at hindi maikakaila na nagtatagumpay ang gobyerno sa paglaban sa iligal na droga.

Samantala, sa ngayon, batay pa rin sa update ng real numbers, umabot na sa 22,585 barangays ang cleared na sa impluwensya ng iligal na droga makalipas ang limang taon.

Facebook Comments