Transaksyon sa BI ng mga dayuhan sa buong Luzon, suspendido muna

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pansamantalang pagsuspinde sa mga transactions sa lahat BI offices sa Luzon

Ito ay maliban lamang sa outbound passengers na palabas ng Pilipinas sa harap ito ng skeletal workforce na pinatutupad ng BI dahil sa COVID lockdown

Bunga nito,pinapayuhan ang mga dayuhan na may expired visa na saka na lamang magsumite ng kanilang aplikasyon


Kabilang din sa suspendidong mga transaksyon sa BI  ang Filing at hearing ng applications para sa extension o conversion sa non-immigrant o immigrant visa, dual citizenship, downgrading ng visa status, special work permit o provisional work permit, renewal ng ACR I-Cards, at ang pag-apruba ng visa applications para sa  extension o conversion.

Facebook Comments