Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mapadali ang Tax Transactions sa pamamagitan ng internet.
Ito’y matapos ilunsad ang programang ‘Hack-a-Tax.’
Ayon kay BIR Deputy Commissioner, Atty. Lanee David, isang innovation challenge ito para hikayatin ang sinuman na nasa sektor ng Information Technology na gumawa ng Innovative Technology Solutions para mapadali ang pagpoproseso ng pagbubuwis.
Pero aminado si David na kulang ng tao at resources ang kawanihan kaya nauunawaan nila ang hirap ng mga taxpayer mula sa registration, filing at pagbabayad, at iba pang serbisyo.
Tiwala ang BIR na sa tulong ng teknolohiya ay mababawasan ang anumang uri ng korapsyon gaya ng mga fixer.
Ang mga ganitong inisyatibo ng BIR ay aprubado ng ilang pribadong kumpanya.