Manila, Philippines – Mayroon na ngayong sariling samahan ang nasa hanay ng LGBT sa Quezon City Hall.
Ito ay matapos na payagan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang paglikha sa Association of City Government Employees na nabibilang sa LGBT community.
Iniutos ni Bautista sa lahat ng mga pinunong pang departamento na isumite ang listahan ng lahat ng mga empleyado ,mapa permanent, contractual o job orders — na kabilang sa LGBT community para sa kaukulang profiling at nang mairehistro sa Quezon City Transgender Employees and Gay Association (QC TEGA).
Sa ilalim ng City Ordinance 2357-2014 o ang Quezon City Gender-Fair Ordinance, ipatutupad ang mga polisiya para sa paglaban sa lahat ng porma ng diskriminasyon na kaugnay sa Sexual Orientation, Gender Identity o Expression.