Life size na vase na gawa sa baraha, tampok sa China

Panghimagas – Isang 65-anyos na retired mason ang hinahangaan ngayon dahil sa kakaiba nitong obra na life sized vase.
Nabatid kasi na gawa sa mga tinuping baraha ang vase na likha ni Zhang Kehua mula sa province ng Hubei sa Qianjiang.
Kopyang-kopya ni Zhang ang mga original na vase na gawa sa porcelain kaya’t umaani ito ng mga papuri at positibong reaksiyon mula sa mga turista.
Aabot sa 106 centimeters ang taas ng vase na mula sa limang libong baraha at inaabot naman si Zhang ng isang linggo bago niya ito natapos.

Facebook Comments