Transgender, trans woman, trans man wala sa diksyunaryo – Sotto

Kinuwestiyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pinagmulan ng mga salitang transgender, trans man at trans woman na aniya’y wala naman sa diksyunaryo.

Naniniwala ang senador na tutol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill, na may mga grupong “prinostitute” ang salitang gender.

“There are groups na prinostitute ‘yung word na gender. ‘Yung gender kasi is a sub-class of sex–male, female. Pati gender, feminine, masculine,” paliwanag ni Sotto sa mga reporter sa Senado, Lunes.


“Hindi ko maintindihan kung paano nila nabaluktot yun, na gamitin yun, na naging transgender ang paggamit, yung trans woman, trans man,” aniya pa.

“Ikinalulungkot ko, pero hanap ako nang hanap sa dictionary, walang word na trans woman. Lahat ng dictionary hinanap ko, wala. Wala ring trans man.”

“So, saan galing? In other words, nagdeviate nang masyado,” konlusyon ng senador.

Mariing tinututulan ni Sotto ang pagpasa ng naturang panukala.

Ipinahayag din niyang kumpiyansa siyang hindi ito lulusot sa Senado dahil mayroon nang nasa 15, o maaaring humigit pa, na hindi rin sang-ayon dito.

BASAHIN: Sotto: 15 senador, tutol sa SOGIE bill

Facebook Comments