Lingayen, Pangasinan – Pinaghahandaan na ng PNP Pangasinan ang pag-lift o pag-tanggal sa enhanced community quarantine o ECQ sa lalawigan bilang napasama ito sa low risk areas at sasailalim sa transition period. Sa pag-deklara nito ay asahan umano ang interzonal movement lalo na ang pagpasok ng ibang tao sa lalawigan ng Pangasinan mula sa ibang lugar.
Ayon pa sa PNP Pangasinan na mas marami ang idedeploy na mga pwersa na mag iikot maging sa mga establisyemento para magbantay at tiyakin na maipapatupad ang bagong guidelines na ilalabas. Sa ngayon ay sapat umano ang bilang ng pulis na nagbabantay sa mga checkpoints sa tulong na din umano ng AFP ngunit titignan pa din nila umano kung kakailanganin ng karagdagang pwersa sa mga susunod na araw.
Photo credited to PD Pangasinan PPO Facebook