“Transition plan” laban sa pandemya, sinisilip na – Galvez

Bubuo ang pamahalaan ng ‘transition plan’ para matiyak ang stable supply ng COVID-19 vaccines sa bansa pagkatapos ng taong 2021.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kailangang magkaroon ng taunang vaccination program.

“We need to have an annual vaccination program. Hindi ito pwedeng one-shot, big shot. It should be framed in a sense that it’s a multi-year plan until the elimination of the disease,” paliwanag ni Galvez.


Ang transition plan ay isasagawa ‘by phase’ para maayos itong maipatutupad.

Ang target sa unang phase ay maabot ang population protection sa isang partikular na lungsod, munisipalidad, o rehiyon para makontrol ang COVID-19.

Kapag nakamit ito, sinabi ni Galvez na susunod na maaabot ay ang herd immunity at tuluyang pagbaba ng kaso.

Ang huling phase ay ‘exit strategy’ o tuluyang pagpuksa sa sakit.

Sa ngayon, aabot na sa 30.9 million ang COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Facebook Comments