TRANSITION PROGRAM | PUV Modernization Bill, inihain sa Senado

Manila, Philippines – Inihain na ni Senador Bam Aquino ang Senate Bill 2056 o Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Bill para gawing limang taon ang palugit sa pagpapalit ng mga pampasaherong jeep.

Naniniwala kasi si Aquino na ang bersiyon niya ng PUV Modernization ay tutugon sa mga issues ng transport sectors lalo na sa mga jeepney drivers.

Nais ni Aquino na magkaroon ng 5-taong transition program at hindi ilang buwan lamang na palugit para sa mga operators at drivers.


Hindi aniya kakayanin ng mga operators at drivers na sa March 2019 ay makakabili na sila ng mga bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Facebook Comments