SINUNGALING | ACT teachers, tinawag na sinungaling at terorista ni Mayor Sara Duterte

Tinawag na terorista at sinungaling ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ACT teacher Davao.

Sa kaniyang post sa Instagram itinanggi ng alkalde ang alegasyon ng grupo na hindi nagbibigay ng allowance sa mga guro ang lungsod.

Giit ni Duterte, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng Davao ng dalawang libong pisong gift check sa kada guro at non teacher employees ng DepEd noong 2016 at 2017.


Pinayuhan rin ni Inday Sara ang DepEd na dapat alisin na ang mga terorista sa kanilang hanay.

Aniya, maging ang mga miyembro ng makabayan block ay dapat ng expel ng Kongreso.

Nagsisilbi lang kasi aniyang katasan ng mga terorista ang partylist system.

Samantala, umalma naman si ACT Teachers Representative Antonio Tinio sa nakakabahalang pahayag ng alkalde dahil ilan sa mga tinawag na terorismo nito ay biktima ng extra judicial killings o EJK.

Facebook Comments