Iminungkahi ni Senator Bong Go sa Department of Information and Communications Technology at sa iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na i-prayoridad ang pagdevelop ng e-government system.
Layunin ng suhestyon ni Go na mas mapabilis at episyenteng makatugon ang gobyerno sa umiiral na new normal dulot ng COVID-19 pandemic.
Ipinaliwanag ni Go na mahalagang hindi mapag-iwanan ang bansa pagdating sa transition sa digital age gaya ng e-governance, e-commerce at online learning.
Iginiit ni Go na dahil sa COVID-19 pandemic, naging limitado ang physical mobility at face-to-face transactions sa mga government office gayundin ang government to citizens transactions.
Dagdag pa ni Go, matagal ng reklamo ng publiko ang lumang sistema ng kalakaran sa gobyerno gaya ng matagal na pagkuha ng lisensiya o iba pang dokumento at napatunayan din ng kasalukuyang health crisis na hindi na puwede ang makalumang transaksyon.