Nakolektang buwis ng gobyerno mula sa malalaking taxpayers sa bansa, tumaas ayon sa DOF

257

Tumaas ang nakolektang buwis ng gobyerno mula sa mga malalaking taxpayers sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic ayon sa Department of Finance (DOF).


Sa inilabas na pahayag ng DOF, umabot sa 128.59 bilyong piso ang nakolektang buwis sa mga ito, mas mataas ng 13.15 percent sa 113.64 bilyong pisong target.

Tumaas din ang nakolektang buwis mula sa mga sigarilyo at alak na lagpas din sa target ng DOF.

Matatandaang bumagsak ang ekonomiya ng bansa mula nitong Marso matapos isailalim sa community quarantine ang maraming lugar sa bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments