MANILA – Magpupulong ngayong araw ang binuong Transition Team ng Malacañang na mamamahala sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan kay presumptive president Rodrigo Duterte.Ang grupo ay pamumunuan ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabi na dapat ay maging maayos at walang aberya ang paglilipat ng pamamahala sa susunod na lider ng bansa.Ipinaliwanag naman ni Coloma na hindi muna nila makakaharap ngayong araw ang Transition Team ni Duterte pero nakausap na niya ang executive assistant nito na si Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga magaganap na pagpupulong sa susunod na mga araw.Si Pangulong Noynoy Aquino ay nakatakdang bumaba sa kanyang pwesto sa June 30 na siyang pagtatapos ng kanyang anim na taong termino bilang pinuno ng bansa.Nauna nang sinabi ng Pangulo na excited na siyang bumalik sa pribadong buhay kung saan ay kanyang sinabi na pagbabakasyon ang una niyang gagawin pagbaba niya mula sa palasyo ng Malacañang.
Transition Team Ng Malacañang Na Mamamahala Sa Maayos Na Pagsasalin Ng Pamahalaan, Magpupulong Ngayong Araw
Facebook Comments