MANILA – Bumuo na ang kampo ni Presumptive President Rodrigo Duterte ng anim na cluster na syang tututukan ng mga miyembro ng transition team.Sa isinagawang pressconference sa Davao City, sinabi ni Peter Laviña, Spokesman ni Duterte na kabilang rito ang Infrastructure Developmentna kanyang tututukan, nakatalaga naman kay Maribojoc Mayor Jun Evasco ang Social Services and Development, si Bong Go na Chief of Staff ni Duterte ang tututok saSecurity and Peace and Order, ang negosyanteng si Carlos Dominguez ang sa Economic Development, si Salvador Medialdea sa Hudikaturaat si Loreto ata saGOCCS.Kasabay nito, kinumpirman ni Laviña na nakansela ang nakatakda nilang pakikipagpulong ngayong araw sa transition team ni Pangulong Noynoy Aquino.Sinabi rin ni Laviña na hindi pa buo ang gabinete ng alkalde at patuloy silang naghahanap ng nararapat sa mga nasabing pwesto.Ayon sa opisyal – ilan sa mga katangian na hinahanap nila ay may kakayahan sa ibibigay na pwesto, integridad, parehas ang layunin sa kanila at handang magsakripisyo.Una nang inilatag ng transition team ang kanilang 8 point economic agenda na kinabibilang ng mga sumusunod:- pagtutok sa tax revenue ng bir at boc.- pagtatabi ng limang porsyento ng gross domestic product para sa infrastructure spending- paghihkayat ng mga foreign invesment- pagpapaluwag sa ilang economic provision ng saligang batas- agricutural development- pagsasayos at pagpapaluwag sa land adminstration at management system- ayuda sa edukasyon, scholarship para sa kolehiyo at trabaho para sa mga nagsisipagtapos- pagbaba ng presyo ng bilihin- at pagpapalawig ng cct program
Transition Team Ni Presumptive President Rodrigo Duterte, Bumuo Na Ng Cluster.
Facebook Comments