Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi biglaan ang pagpapatupad ng jeepney modernization program.
Ayon kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, mayroong tatlong taong “transitory period” para hindi mabigatan sa mga requirements ang mga driver at operator.
Kasama sa pagbabago ngayong taon ang pagdadagdag sa mga “motor vehicle inspection unit” para siguruhing iwas-polusyon at ligtas ang mga jeep.
Plantsado na rin kung paano tutulungan ang mga operator at driver na makabili P1 milyong pisong mahigit na unit nang hindi mamumulubi.
Una nang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin andanar na hindi ang mga jeep ang nakatakdang isailalim sa phase – out kundi ang mga lumang modelo o unit.
Aniya, isasailalim lamang sa modernisasyon ang mga kasalukuyang jeep para hindi na maging ‘pollutant’ na masama sa kalusugan.