BAGSIK NI AGATON | NGCP, naghahanda na sa magiging epekto ng bagyo

Manila, Philippines – Naghahanda na ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa posibleng epekto ng Bagyong Agaton.

Ayon sa NGCP, target nilang mabawasan ang anumang masamang epekto na maaaring idulot sa mga pasilidad nito sa pagdating ng Bagyong Agaton.

Kasama sa kanilang preparasyong ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagkakaroon ng mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad at gayundin ang pagpuwesto ng mga line crews sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.


Facebook Comments