Transparency at safeguards sa unprogrammed appropriations, tiniyak ng liderto ng kamara

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa publiko na hindi maaabuso at magagamit ng mali ang ₱249 billion na unprogrammed appropriations sa ilalim ng proposed ₱6.793-trillion na 2026 national budget.

Ayon kay Dy, ang unprogrammed appropriations ay reserbang pondo na gagamitin lamang kapag sumubra ang koleksyon ng gobyerno.

Diin ni Dy, ang unprogrammed funds ay naayon sa batas, transparent at may inilatag na proteksyon o safeguards ang kamara para higpitan ang paggastos nito.

Kabilang sa binanggit ni Dy ang pagsusumite ng special budget request ng mga ahensya na suportado ng mga dokumentong magdedetalye kung paano gagamitin ang pondo.

Obligado din ang mga ahensya na magsumite ng quarterly report kung paano ginastos ang unprogrammed appropriations.

Sabi ni Dy, bubuo din ang Kongreso ng oversight committee na magbabantay sa impelementasyon ng pondo upang masigurado na bawat piso ay nagagamit ng tama.

Facebook Comments