Transparency sa brand ng COVID-19 vaccines, iginiit ng isang kongresista

Iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ang transparency pagdating sa brand ng mga COVID-19 vaccines.

Ang pahayag ng kongresista ay kasunod ng pahayag ng isang opisyal ng Department of Health o DOH na huwag nang i-anunsyo ang brand ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa mga lugar ng bakunahan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa vaccination site tulad sa nangyari noong nakaraan sa Pfizer vaccines.

Kung si Zarate ang tatanungin, tungkulin at trabaho ng DOH na ipaalam sa publiko ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine kung saan kabilang na rito ang brand ng bakuna.


Ang tawag aniya rito ay “transparency,” upang mahimok ang mga tao na huwag matakot at magpaturok na ng bakuna.

Ang hindi umano pag-anunsyo sa ituturok na bakuna ay makakaapekto sa tiwala ng publiko sa vaccination program ng pamahalaan.

Facebook Comments