Transparency sa mga transaksyon ng gobyerno, tututukan ng DBM

Tututukan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagiging bukas sa mga transaksyon ng gobyerno sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagawin ito sa pamamagitan ng digitalization sa kanilang hanay o ang Budget and Treasury Management System (BTMS).

Aniya, ang sistemang ito ay magsisilbing online ledger sa lahat ng transaksyon ng gobyerno mula sa pagpaplano hanggang sa paglalabas ng pondo, kung saan real-time na makikita ng publiko ang lebel ng budget ng bansa.


Bukod dito, makikita rin ng mga Pilipino ang mga nailabas na pondo at kung balanse pa ito sa budget.

Iginiit ni Pangandaman na titiyakin ng pamahalaan ang tranparency sa bawat transaksyon ng gobyerno.

Facebook Comments